Napadaan lang talaga ako dito. Ano ba dahilan ko kung bakit napapabayaan ko na ang pahina kong ito. Trabaho? Eskwela? Oo, pareho sila. Wala na nga akong panahon matulog ng mahaba eh. Lagi na lang kulang ang tulog ko. Bangag na bangag na ako. Sana magkaroon ako ng pagkakataong asikasuhin naman ang sarili ko. Sana. Sana.
Gusto kong magpa-spa. Magpa-whole-body massage. Mag-shopping. Magpa-rebond. Kumain sa isang fine-dining restaurant. Manood ng sine at mag starbucks! Teka parang luho na yata yun ah.. hahaha. Basta matapos ko lang lahat ng pinagkakabalahan ko sa buhay, gagawin ko lahat yan. Sana lang may sapat na pera! Hehehehe.
Sige bye-bye na! Para namang may babasa pa nitong nakalimutan nang blogsite ko. Pero kung sakaling meron man, hello sa iyo! Oo, sa iyo! Hello po! Salamat at naligaw ka! Hahaha! Next post ko, promise, I’m gonna give you a very good post. Sana. Sana. See yah! Tulog muna ako ng kaunti may pasok pa later.
Hayst! Ang tagal ko ring nawala sa sirkulasyong ito. Ang tagal kong nanabik na sana makaisip ako ng isang magandang kwentong pwedeng isulat para sa pahina ko. Sa kasamaang palad, hanggang ngayon, wala pa rin.
Masyado akong naging abala sa mga gawain ko sa buhay. Trabaho, aral, trabaho, aral, trabaho, aral, kain, tulog, kape, yosi, at kaunting kasiyahan. Yun lang ang bumubuo sa buhay ko. Nakakasawa na nga eh, pero sa ngayon, pinipilit kong makuntento na lang muna. Wala naman akong magagawa, wala pa akong sapat na pera. Wala pa akong maipagmamalaking estado sa buhay. Masyado pa akong hilaw. Basta simple lang, yun lang.
Katatapos nga lang ng birthday ko eh. Ayun, nag-imbita ako ng ilang malalapit na kaibigan. Konting handang pagkain, konting beer at yosi, solved na. Masaya, nakakatuwa, at yun, nadagdagan na naman ako ng isang taon sa kalendaryo ng buhay ko. Konting panahon na lang at 65 years old na ako, kailangan magawa ko na lahat ng mga dapat, hindi dapat at mga gusto kong gawin sa buhay ko. Bago man lang ako mag sisenta.
Ewan ko ba pero lagi kong iniisip na hanggang 65 years old lang ako mabubuhay sa mundong ito. Kaya gusto ko pagtuntong ko ng 60, mananabako at magbo-ballroom na lang ako kasama ang (mga) magiging asawa ko (kung meron mang magkakamali... ;-0), at yung ibang mga kumpare ko.
Kung magkaka-anak man ako, gusto ko wala na sila sa puder ko sa mga panahong iyon. Gusto ko maayos na din ang buhay nila at bibisi-bisitahin na lang nila ako sa mansyon namin (hehe, dream, dream, dream!)
Astig diba? Kahit maraming nagsasabing masyado daw akong nagmamadali sa buhay dahil puro pera, pera, pera, dream car, dream house, dream vacation, dream career na lang daw ang lagi kong iniisip. Pero totoo naman diba? Lahat tayo nag-aasam ng madaming pera. Lahat tayo pangarap na balang-araw, mag-buhay senorita at senorito sa mansyon natin? Maglakbay sa lahat ng bahagi ng mundo na walang iniisip na problema sa pera o sa kahit anumang gastusin?
Kaya nga tayo nagpakahirap na mag-aral noon at mag-trabaho ngayon eh, kasi lahat tayo gustong yumaman. Maging mayamang-mayaman! Bilyonaryo. Kasi sa panahon ngayon, pera lang talaga ang nagpapatakbo ng kaligayahan ng mundo, technically.
Don't get me wrong naman tungkol dito. Naniniwala pa rin naman ako sa kasabihang "...the best things in life are for free...": ang pagtawa ng masarap; ang pagtatampisaw sa ulan; ang paglalaro ng piko at tumbang preso sa kalye; ang paglalaro ng langit-lupa impyerno, im-im-impyerno; ang paglanghap ng sariwang hangin at marami pang iba. Pero ito yung mga bagay na pwedeng-pwede nating gawin kahit anong oras natin gusto. Nandyan lang ang mga yan at hindi ka iiwanan. Kaso nga lang, may mga bagay talaga sa mundong ito na gusto nating gawin at pangarap nating matupad na kinakailangang pondohan at tapatan ng salapi. Ano-ano yun? Alam kong alam nyo na kung ano-ano ang mga iyon...
Narinig ko ngang minsan sa isang pastor habang nagsasalita siya sa kanyang mga takapakinig:
"...hindi naman masamang maging mayaman, ang mag-asam ng limpak-limpak na salapi, ang maniwalang isang araw, pagbukas mo ng pinto ay babagyo ng maraming kayamanan. Sa katotohanan nga, maraming sipi sa banal na Bibliya ang nagsasabing ang pagiging mayaman at pagkakaroon ng matiwasay at maunlad na buhay ang pangarap ng Diyos para sa ating lahat. Ang dapat lang nating matutunan ay kung papaanong sa pamamagitan ng yamang iyon ay makakatulong tayo sa ating kapwa..."
Ayokong magtunog pastor sa puntong ito kaya ititigil ko na. Pero totoo naman diba? Ewan ko sa'yo pero kung 'di ka sumasang-ayon, okey lang. Maaari mong sabihin kung bakit, at ipaliwanag ng husto sa buong madla, o maaari ka ring manahimik na lang habang binabasa mo ito, depende sa trip mo. Basta iyon talaga ang paniniwala ko eh. Astig lang! hahaha. *tawa.
Mamaya-maya, papasok na naman ako sa trabaho. Umaasang sa susunod na sweldo, mas malaki-laki ang mailalagay ko sa savings account ko. Kung kulang, hala sige trabaho na lang ulit. Kung sobra, edi mas maganda. Ganyan lang naman talaga ang buhay natin diba? Pati ang buhay mo, alam ko ganyan din ang takbo. Maliban na lang siguro kung ipinanganak kang mayaman ang pamilya mo. Hindi ko sasabihing maswerte ka kundi, pinagpala ka. Astig!
O, sige na, hanggang sa muli nating pagkikita. Magpapayaman muna ako. *kindat...
(PAUNAWA SA MGA BABASA: ang kwentong ito ay R-18 dahil sa sandamakmak na pag-gamit ng author ng mga masasamang salita at abot-impyernong pagmumura upang mailabas ang kanyang damdamin sa isang karanasang ayaw na niyang maulit. Patnubay ng magulang ay kailangan.)
"...Gigil na gigil na gigil hanggang sa mabitiwan nya ako. Kita ko ang dugo sa braso ng mamang demonyo, habang ramdam ko din naman lasa ng pawis, libag, at dugo nya sa bawat hibla ng mga ngipin ko..."
Isang araw, bandang alas singko ng hapon, huwebes iyon tandang-tanda ko pa, papunta ako sa opisina, ang daan ko ay Baclaran patungong Makati, eksaktong pagbaba ko ng bus sa palengke ng putang-inang Baclaran na yan, isang malaking mamang amo’y putok ang biglang humila at sumakal sa akin. Pinipilit niyang kunin ang noo’y hawak-hawak kong cellphone. Kasama niya ang isang puki ng inang lalaking mukhang pinilipit na kulangot ang mukha na siya namang paulit-ulit na sumusuntok sa mukha ko para lang mabitiwan ko ang aking telepono.
Syempre, unang reaksyon ko ay ang manlaban, kahit hindi ako makagalaw sa pagkakahawak sa akin ng anak ng imburnal na lalaking iyon, pinilit kong gumalaw at sumigaw. Ewan ko ba pero sa bawat sigaw ko at paghingi ng tulong, isang sapak sa mukha ang inaabot ko.
Ayokong maging bida sa kwento kong ito, pero totoo, hindi ko binitiwan ang dala kong cellphone. Hindi ko nga halos naramdaman ang mga suntok sa akin eh. Basta ang alam ko, hindi ko bibitiwan ang cellphone ko at sisigaw ako na sana ay may tumulong sa akin. Pero wala.
Habang hawak ako ng mamang mukhang hasang at pilit na nanlalaban, naramdaman kong humapdi ang leeg ko. Dumudulas ang pagkakakapit nya sa akin. Maya-maya’y naramdaman kong dugo ko na pala iyon. Mahirap ipaliwanag kung bakit hindi ko nararamdaman ang sakit ng paghiwa niya ng sugat sa leeg ko kaya isisisi ko na lang ang lahat ng iyon sa aking adrenalin gland. Ayun, hawak-hawak ko parin ang cellphone ko.
Napansin kong may isang ale naman na nakakasaksi sa nangyayari sa akin. Siguro wala pang dalawang metro ang layo nya sa amin ng mga hinayupak na holdaper na yun. Kita ko siya mula sa kinatatayuan ko habang sinasakal ako ng kaputa-putahang lalaking iyon. Alam ko gusto niyang tumulong pero alam ko ding wala siyang magawa. Ayun, nanood lang siya, musta naman yun?
“…tama na yan hoy! Tama na yan!…” sigaw ng mga nakakakita sa dalawang demonyong mama.
“…ibigay mo na kasi yang cellphone mo, gago!” naririnig kong sigaw mula sa maraming kumpulan.
Oo, madaming tao sa paligid ko. Uulitin ko lang po, nasa Baclaran ako noon, alas singko ng hapon at malinaw pa sa alaala ko kung gaano karami ang tao sa putang-inang Baclaran na yan noong mga oras na iyon. Pero hayun ako, pinagtutulungan ng dalawang mamang mal-edukado, filibustero, hayop, demonyo, inutil, primitibo, tarantado, tonta, at lahat na, habang ang publiko, naroroon at parang nanonood lang ng shooting! *Heavy!
At alam mo ba kung saang banda sa Baclaran nangyari ang lahat?
Doon mismo sa tapat ng istasyon ng mga walang kwentang MMDA officers na yan! Anak ng kulani talaga oh. Naisip ko tuloy, siguro nagkukubra ng pera ang mga holdaper na yan sa kanila kaya wala silang pakialam kahit sino ang mabiktima. Wala talagang kwenta ang ilang mga sistema natin dito sa bansa. Letche talaga!
Ayun na nga, siguro kahit papano sinuwerte parin ako nung araw na yun, ewan ko ba pero pakiramdam ko, hindi pa talaga ako mamamatay nung araw na yun eh. Sandamakmak na sapak na ang inabot ko pero matinag parin ang pagkakahawak ko sa cellphone ko. Nakagalaw ako ng konti dahil nga medyo madulas na ang pagkakahawak ng mamang mukhang tae sa leeg ko dahil sa dugo.
Nagkaroon ako ng pagkakataong kagatin ng sabik na sabik na sabik ang braso ng mamang sumasakal sa akin. Gigil na gigil na gigil hanggang sa mabitiwan nya ako. Kita ko ang dugo sa braso ng mamang demonyo, habang ramdam ko din naman ang lasa ng pawis, libag, at dugo nya sa bawat hibla ng mga ngipin ko. Sabay hampas ng bag kong dala-dala sa isa pang putang-inang mamang nakarami rin ng suntok sa akin.
“…putang ina nyo, gago!!!!...” ang sigaw kong may paghihimagsik!
Sabay ang pagtakbo ko ng matulin papunta sa sakayan ng bus.…
”hala sige, magtext ka pa!” narinig kong sigaw ng isang lalaki mula sa nagdaraang bus habang tumatakbo ako palayo.
“…putang ina mo!” ganti ko naman sa kanya sa sobrang pikon ko na.
Siguro dahil madami naring nakiki-isyoso, nagdalawang isip na ang dalawang puke ng inang lalaking iyon na habulin pa ako. Nang maramdaman kong sapat na ang layo ko para abutan pa ng mga demonyo, tumigil ako at nagpahinga. Saka ko lang naramdaman ang pagod. Nagmasid ako sa paligid. Pakiramdam ko lahat ng tao, nakatingin parin at tumatawa sa akin.
Bakit nga ba hindi ko na lang binigay ang cellphone ko? Mas madali naman yon kesa suungin ang nga suntok. E bakit nga ba? Naisip ko nga rin, siguro, isang maling galaw ko lang din, pwedeng magbago ang kapalaran ko at patayin ako ng mga di ko naman kakilalang tao. Sayang naman ang buhay.
Matagal ko ring inisip ang pangyayaring iyon. Paano nga kaya kung napatay nila ako dahil lang sa cellphone? Kasing-halaga lang ba nito ang buhay ko? Ang cheap! Hahaha! Sabi ko, di ko nalang uulitin pag nangyari ulit yun, pero wag naman na sana.
Parehong araw, nagreport parin ako sa trabaho. Parang walang nangyari. Di ako umabsent.
Kinuwento ko sa mga ka-officemates ko. Nalaman ng mga kaibigan ko. Nalaman ng nanay at tatay ko.
Nakakatawa pero lahat sila iisa lang ang reaksyon. Iisa lang ang nasabi: “…ang tanga-tanga mo, sana binigay mo na lang yung cellphone…”
(…sana man lang tinanong nila kung nasaktan ba ako diba? *heavy! Hahaha.)
Natutunan ko na ang lessons ko. Nasa akin pa rin ang cellphone ko. Hindi naman ako na-comatose. Hindi din naman ako nasaksak. Buhay pa ako. At siyempre, pinagpapasalamat ko yun.
Sa ngayon, siyempre, mas naging maingat na ako sa bawat kilos ko, lalo pa at nasa mataong lugar ako. Mahirap nang maulit ang kalbaryong iyon. Ang sakit kayang masapak! Okey sana kung may pagkakataon akong lumaban ng patas, at least yun, makakaganti ako ng sapak kahit papano. Madami na talaga tuso sa panahon ngayon, ni hindi mo alam kung sino sila. Di naman natin alam kung sino ang dapat sisihin. Syempre, ang lahat ng bunton, sa isang tao lang mapupunta.
Siyempre, ang sisisihin ay ang biktima, di kasi nag-iingat! Ganun na ba talaga ngayon?
Noon mismong oras na yun, siguro isang bagay lang din ang nasa isip ko; na madami nang masasamang tao sa mundong ito, madaming-madami, ...at sa pagkakataong iyon, ayokong maging isa sa mga biktima nila…
Gusto ko pumunta sa event na ito, makilala ko man lang ang mga kapanaligan kong bloggers! Sana may pagkakataon akong makapunta, July 27, 2008, Sunday around 7pm.
Yung mga gustong pumunta din at makihalu-bilo sa mga blagistang ito, mangyaring bisitahin na lamang ang blogsite ni McBilly.
Here are the details:
Bloggers Mini-EB
Where: SM Megamall
When: July 27, 2008 (Sunday)
Time: 7pm (Just in time for dinner)
May espesyal na papremyo, sige, bisitahin na ang site ni McBilliy.
Ako, basta kung saan-saan at kung kani-kanino ko lang napupulot ang mga pinagsususulat ko dito.
Naniniwala lang kasi ako na sa pamamagitan nito, magkakaroon ako ng bahagi sa pagpapalaganap ng world peace!
Tuloy lang ang buhay. Mag-aral tayo araw-araw. Araw-araw din tayong matuto. Bukas kasi baka di na kita kilala, o baka di mo na ako kilala, kahit papaano marunong tayong magpatuloy na tumahak sa kwento ng nabubulok na kamatis ng buhay.
TWENTY YEARS
-
This blog is 20 years old.
That means I'm 20 years older since I started this site.
But I guess it hasn't been updated in the last 10 years.
To celebr...
ダイエット器具とオーリスタットとキャベツ効果
-
ダイエット器具ランキングで人気のオーリスタットは、ゼニカルという名前で通販購入することのできる、肥満を治療するためのダイエット薬です。肥満は、様々な病気を誘発するのはもちろんのこと、おしゃれを楽しむ弊害になったり、運動を
[…]
The post ダイエット器具とオーリスタットとキャベツ効果 appear...
my kurt chinno
-
molded with sweetness
young but strong feelings
kind inside and out
uniquely treats me all throughout,
right place and time
tender love we have
clever and cr...
Fresh Start...
-
Parang ako, maliit lang ang mundo. Minsan may mga pangyayaring di inaasahan
at hindi ginugusto pero mangyayari.
Parang ngayon, magsisimula ulit ako. Parang...
starving artist
-
*Your result for The Personality Defect Test...*
Starving Artist
You are 0% Rational, 43% Extroverted, 43% Brutal, and 57% Arrogant.
You are the Starvin...
GaMeShOw
-
Gumising ako na tulad ng kahapon. Tulad nung isang araw, tulad ng mga
nakaraang umagang hindi ko na mabilang. Isang umagang dahan dahang
gumagapang, lumili...