Napakatagal nang panahon mula nang magsulat ako dito sa pinakamamahal kong blogsite. Sobrang na-miss ko ito. Masyado kasi akong naging busy sa iba't-ibang activities althroughout the year, at medyo naging babad ako sa trabaho at pag-aaral kaya nakalimutan ko na ito, not to mention, tinatamad na rin ako magsulat dahil nakakapagod mag-isip ng isusulat pagkatapos ng isang nakakapagod na araw, kaya itinutulog ko na lang ang aking free time. Sorry blogsite ko ahh? Peace na tayo! :)
Dumaan ang maraming araw at napakaraming pangyayari sa aking buhay, at sa mga pagkakataong iyon, masasabi kong maraming bagay din akong natutunan. Mga bagay na kahit ilang taon man ang lumipas ay hindi ko makakalimutan. Napakaraming tao ang aking nakilala at bawat isa sa kanila ay nagbigay sa akin ng matatamis at kung minsan naman ay mga mapapait na ala-ala. Sobrang sarap talagang mabuhay. Hay, buhay!
Kaya ngayong nagkaroon muli ako ng oras para bisitahin at kumustahin ang inaamag ko nang blogsite, ang sarap-sarap magbalik-tanaw sa mga kwentong buhay na naisulat ko na dito noong mga unang panahon pa. Ang sarap nilang basahin. Kahit mali-mali ang grammar, kahit tanga-tanga ang sumulat, nakakatuwa kapag nabababalikan kong muli ang isang ala-ala na marahil nakalimutan ko na nangyari pala. Isa itong time machine para sa akin, at napaka-swerte ko dahil isa ako sa mga taong masipag magsulat noon, at ngayon ay nakakabalik sa dating panahong kinainisan ko, kinatuwaan, kinasuklaman at minahal. Ang sarap sa pakiramdam.
Heto ako ngayon, muli ay susubukang i-kwento ang aking mga samu't-saring katangahan kahit na walang bumabasa, haha. Ituturing ko na lang itong secret diary ko. Kahit nakalimutan na ako ng mga dati kong regular na bisita, kahit na tinanggal na ako sa blogroll ng mga blogsites nila, ayos na ayos lang yun. Although na-mi-miss ko silang lahat. Silang mga nakikidalamhati kapag may isinulat akong nakakalungkot. Silang mga nakikitawa sa aking mga kwentong ka-corny-han. Silang mga napipikon sa aking mga pang-aasar. Lahat sila, sobrang nakakamiss. Sana mapansin nilang muli na pilit kong binubuhay ang tahanan kong ito. Sana mapansin nilang nagbabalik na muli si Bienthoughts. Miss ko na sila.
Sabi nga sa isang infomercial, AKO ANG SIMULA, MAY MAGAGAWA TAYO!. Wala lang, try ko lang i-connect parang hindi ata pwede, hehehe.
Basta, sisikapin kong mabigyang buhay muli itong aking bahay! Ngayon ako magsisimula! Welcome back to me, Bienthoughts! :)
FALLING STAR (2022 version)
-
*Dec. 15, 2018, 22:52:28*
It was a clear night. The sky was cloudless and all the stars twinkled as
brightly as possible. Aubrey spent most of the even...
1 year ago