“Minsan naisip ko na umalis na lang dito. Kalimutan nang lahat, lumipad, lumayo…”
-Hallelujah, Bamboo
Perfect! Exactly yan ang gusto kong gawin ngayon. Lumipad, lumayo nang malayong-malayo. Tumakas sa mga responsibilidad sa buhay. Kalimutan ang lahat ng pangit na nangyari sa buhay ko mula sa simula. Ang maging mag-isa pansamantala, manahimik, magkubli sa kawalan, magsulat ng magsulat, mag-yosi ng mag-yosi, at kumain ng kumain! Sana nga lang madaling gawin ang lahat ng ito. Pero hinde! Malabo. Lalo pa ngayon, ang dami kong bayaring bills! Hehehe!
Naisip ko lang, ano kaya mangyayari kung sakali ngayon, bigla akong maglaho na parang bula? (hindi naman yung mamamatay ako, yung maglalaho lang, mawawala, magiging-invisible ba?) Ano kaya ang magiging reaksyong ng mga taong nagmamahal sa akin, kung meron man? Mami-miss kaya ako ng mga so-called friends ko? O nang pamilya ko? Ano kaya ang mga magagandang bagay ang masasabi nila tungkol sa akin? O ang mga masasamang bagay na maipupukol nila sa pagkatao ko? Madami kaya? Kaunti kaya? O baka naman wala? Hahaha! Wala lang, naisip ko lang. Alam kong ito rin ang magiging tanong niyo kung sakali mang kayo ang maglalaho na parang bula.
Lahat naman tayo gustong malaman kung gaano tayo kahalaga para sa mga taong mahal natin eh. Lahat tayo gustong makita kung papaano sila mag-rereact kapag isang araw bigla nalang tayong mawala. Oo, alam ko lahat tayo, kahit isang beses lang sa buhay natin, naisip na din ang mga ganitong bagay.
Pero, wala lang. Sana lang din, ako sa sarili ko, matutunan kong ipakita din sa kanila na mahalaga sila sa akin. *drama na naman! Hehehe! Eto na, sige na, di naman kasi ako showy talaga eh. Tahimik lang ako sa personal. Sa panulat lang ako madaldal. Sa gawa ako magaling. Ang problema lang, hindi ko alam kung nararamdaman ba nila yun. I’m insensitive in a way. Basta alam ko, pagdating sa pamilya ko, magbibigay ako ng pang-grocery, pambayad sa kuryente, tubig, bills, pasalubong. Pag may extrang pera, sige, bibilhan ko ng bagong damit, bagong gamit, minsan syempre dagdag na baon para sa mga kapatid ko. Yun lang. Pero, pagdating sa mga emosyonal at sikolohikal na bagay, hindi talaga ako maka-relate. Hindi ako affectionate na tao eh lalo na pagdating sa kanila. Mas komportable akong kausapin at komprontahin ang mga kaibigan ko. Basta ganun lang ang buhay ko.
Matatawag bang malungkot at madrama yon? Di naman diba? Siguro may mga tao lang talagang ganito. At ako yun. Nakakatuwa sigurong malaman na may mga taong katulad ko rin sa mundo. At least, malalaman kong hindi parin pala ako nag-iisa.
(*bakit ba life story ko bigla ang naisulat ko? Dapat tungkol ito sa isang babaeng malaki ang bunganga eh. Di bale, next post na lang. Abangan nyo. Hahahaha!)
4 comments:
"...Madami kaya? Kaunti kaya? O baka naman wala?...."
para sa akin, mabuti na yung either madami or kaunti, wag lang wala. dahil kung walang masasabi tungkol sa iyo ang mga taong nakasama mo sa buhay, ibig sabihin non ay hindi ka nakagawa ng tatak o nagiwan ng anumang bakas sa kanilang mundo. parang di ka rin nag-exist para sa kanila.
nasegwey ka sa dapat sana'y balak mong i-post? sakit yan, parekoy. apir tayo diyan! hahaha
meron talagang mga taong yung tipong hindi affectionate sa personal, pero mapagmahal naman. hindi lang showy pero thoughtful. buti na lang at may blog.,kahit papano naisusulat. hehe. ako din minsan ayaw kong mag-open up sa pamilya ko. mas gugustuhin ko pa ang barkada at blog. hehe
yeah correct. salamat na lang sa blogspot natin. isang pahingahan, tambayan, outlet, at kubeta ng lahat ng sama ng loob natin sa buhay. haaaysst!
Wanting is our human nature, that innate need to be liked, to be loved and we wanted to feel and hear it for reassurance. We wish somw people would show it at least in our lifetime. At least just one person who could satisfy that need would be enough - more than that are blessings. If not in this life at least in our death someone should say we're good and for that reason we're loved.
But we get what we gave the world. It is a mirror, what we show it is exactly what it would show back. So before we even start asking, how about we first start giving.
I wish you well.
~ Jeques
Post a Comment