Napadaan lang talaga ako dito. Ano ba dahilan ko kung bakit napapabayaan ko na ang pahina kong ito. Trabaho? Eskwela? Oo, pareho sila. Wala na nga akong panahon matulog ng mahaba eh. Lagi na lang kulang ang tulog ko. Bangag na bangag na ako. Sana magkaroon ako ng pagkakataong asikasuhin naman ang sarili ko. Sana. Sana.
Gusto kong magpa-spa. Magpa-whole-body massage. Mag-shopping. Magpa-rebond. Kumain sa isang fine-dining restaurant. Manood ng sine at mag starbucks! Teka parang luho na yata yun ah.. hahaha. Basta matapos ko lang lahat ng pinagkakabalahan ko sa buhay, gagawin ko lahat yan. Sana lang may sapat na pera! Hehehehe.
Sige bye-bye na! Para namang may babasa pa nitong nakalimutan nang blogsite ko. Pero kung sakaling meron man, hello sa iyo! Oo, sa iyo! Hello po! Salamat at naligaw ka! Hahaha! Next post ko, promise, I’m gonna give you a very good post. Sana. Sana. See yah! Tulog muna ako ng kaunti may pasok pa later.
Hayst! Ang tagal ko ring nawala sa sirkulasyong ito. Ang tagal kong nanabik na sana makaisip ako ng isang magandang kwentong pwedeng isulat para sa pahina ko. Sa kasamaang palad, hanggang ngayon, wala pa rin.
Masyado akong naging abala sa mga gawain ko sa buhay. Trabaho, aral, trabaho, aral, trabaho, aral, kain, tulog, kape, yosi, at kaunting kasiyahan. Yun lang ang bumubuo sa buhay ko. Nakakasawa na nga eh, pero sa ngayon, pinipilit kong makuntento na lang muna. Wala naman akong magagawa, wala pa akong sapat na pera. Wala pa akong maipagmamalaking estado sa buhay. Masyado pa akong hilaw. Basta simple lang, yun lang.
Katatapos nga lang ng birthday ko eh. Ayun, nag-imbita ako ng ilang malalapit na kaibigan. Konting handang pagkain, konting beer at yosi, solved na. Masaya, nakakatuwa, at yun, nadagdagan na naman ako ng isang taon sa kalendaryo ng buhay ko. Konting panahon na lang at 65 years old na ako, kailangan magawa ko na lahat ng mga dapat, hindi dapat at mga gusto kong gawin sa buhay ko. Bago man lang ako mag sisenta.
Ewan ko ba pero lagi kong iniisip na hanggang 65 years old lang ako mabubuhay sa mundong ito. Kaya gusto ko pagtuntong ko ng 60, mananabako at magbo-ballroom na lang ako kasama ang (mga) magiging asawa ko (kung meron mang magkakamali... ;-0), at yung ibang mga kumpare ko.
Kung magkaka-anak man ako, gusto ko wala na sila sa puder ko sa mga panahong iyon. Gusto ko maayos na din ang buhay nila at bibisi-bisitahin na lang nila ako sa mansyon namin (hehe, dream, dream, dream!)
Astig diba? Kahit maraming nagsasabing masyado daw akong nagmamadali sa buhay dahil puro pera, pera, pera, dream car, dream house, dream vacation, dream career na lang daw ang lagi kong iniisip. Pero totoo naman diba? Lahat tayo nag-aasam ng madaming pera. Lahat tayo pangarap na balang-araw, mag-buhay senorita at senorito sa mansyon natin? Maglakbay sa lahat ng bahagi ng mundo na walang iniisip na problema sa pera o sa kahit anumang gastusin?
Kaya nga tayo nagpakahirap na mag-aral noon at mag-trabaho ngayon eh, kasi lahat tayo gustong yumaman. Maging mayamang-mayaman! Bilyonaryo. Kasi sa panahon ngayon, pera lang talaga ang nagpapatakbo ng kaligayahan ng mundo, technically.
Don't get me wrong naman tungkol dito. Naniniwala pa rin naman ako sa kasabihang "...the best things in life are for free...": ang pagtawa ng masarap; ang pagtatampisaw sa ulan; ang paglalaro ng piko at tumbang preso sa kalye; ang paglalaro ng langit-lupa impyerno, im-im-impyerno; ang paglanghap ng sariwang hangin at marami pang iba. Pero ito yung mga bagay na pwedeng-pwede nating gawin kahit anong oras natin gusto. Nandyan lang ang mga yan at hindi ka iiwanan. Kaso nga lang, may mga bagay talaga sa mundong ito na gusto nating gawin at pangarap nating matupad na kinakailangang pondohan at tapatan ng salapi. Ano-ano yun? Alam kong alam nyo na kung ano-ano ang mga iyon...
Narinig ko ngang minsan sa isang pastor habang nagsasalita siya sa kanyang mga takapakinig:
"...hindi naman masamang maging mayaman, ang mag-asam ng limpak-limpak na salapi, ang maniwalang isang araw, pagbukas mo ng pinto ay babagyo ng maraming kayamanan. Sa katotohanan nga, maraming sipi sa banal na Bibliya ang nagsasabing ang pagiging mayaman at pagkakaroon ng matiwasay at maunlad na buhay ang pangarap ng Diyos para sa ating lahat. Ang dapat lang nating matutunan ay kung papaanong sa pamamagitan ng yamang iyon ay makakatulong tayo sa ating kapwa..."
Ayokong magtunog pastor sa puntong ito kaya ititigil ko na. Pero totoo naman diba? Ewan ko sa'yo pero kung 'di ka sumasang-ayon, okey lang. Maaari mong sabihin kung bakit, at ipaliwanag ng husto sa buong madla, o maaari ka ring manahimik na lang habang binabasa mo ito, depende sa trip mo. Basta iyon talaga ang paniniwala ko eh. Astig lang! hahaha. *tawa.
Mamaya-maya, papasok na naman ako sa trabaho. Umaasang sa susunod na sweldo, mas malaki-laki ang mailalagay ko sa savings account ko. Kung kulang, hala sige trabaho na lang ulit. Kung sobra, edi mas maganda. Ganyan lang naman talaga ang buhay natin diba? Pati ang buhay mo, alam ko ganyan din ang takbo. Maliban na lang siguro kung ipinanganak kang mayaman ang pamilya mo. Hindi ko sasabihing maswerte ka kundi, pinagpala ka. Astig!
O, sige na, hanggang sa muli nating pagkikita. Magpapayaman muna ako. *kindat...
Ako, basta kung saan-saan at kung kani-kanino ko lang napupulot ang mga pinagsususulat ko dito.
Naniniwala lang kasi ako na sa pamamagitan nito, magkakaroon ako ng bahagi sa pagpapalaganap ng world peace!
Tuloy lang ang buhay. Mag-aral tayo araw-araw. Araw-araw din tayong matuto. Bukas kasi baka di na kita kilala, o baka di mo na ako kilala, kahit papaano marunong tayong magpatuloy na tumahak sa kwento ng nabubulok na kamatis ng buhay.
ASSASSIN'S CREED ORIGINS REVIEW
-
Towards the end of one of the missions I was playing, I found out that my
assassination target got hold of one of his enemy’s family. The wife and
the d...
ダイエット器具とオーリスタットとキャベツ効果
-
ダイエット器具ランキングで人気のオーリスタットは、ゼニカルという名前で通販購入することのできる、肥満を治療するためのダイエット薬です。肥満は、様々な病気を誘発するのはもちろんのこと、おしゃれを楽しむ弊害になったり、運動を
[…]
The post ダイエット器具とオーリスタットとキャベツ効果 appear...
my kurt chinno
-
molded with sweetness
young but strong feelings
kind inside and out
uniquely treats me all throughout,
right place and time
tender love we have
clever and cr...
Fresh Start...
-
Parang ako, maliit lang ang mundo. Minsan may mga pangyayaring di inaasahan
at hindi ginugusto pero mangyayari.
Parang ngayon, magsisimula ulit ako. Parang...
starving artist
-
*Your result for The Personality Defect Test...*
Starving Artist
You are 0% Rational, 43% Extroverted, 43% Brutal, and 57% Arrogant.
You are the Starvin...
GaMeShOw
-
Gumising ako na tulad ng kahapon. Tulad nung isang araw, tulad ng mga
nakaraang umagang hindi ko na mabilang. Isang umagang dahan dahang
gumagapang, lumili...