Hayst! Ang tagal ko ring nawala sa sirkulasyong ito. Ang tagal kong nanabik na sana makaisip ako ng isang magandang kwentong pwedeng isulat para sa pahina ko. Sa kasamaang palad, hanggang ngayon, wala pa rin.
Masyado akong naging abala sa mga gawain ko sa buhay. Trabaho, aral, trabaho, aral, trabaho, aral, kain, tulog, kape, yosi, at kaunting kasiyahan. Yun lang ang bumubuo sa buhay ko. Nakakasawa na nga eh, pero sa ngayon, pinipilit kong makuntento na lang muna. Wala naman akong magagawa, wala pa akong sapat na pera. Wala pa akong maipagmamalaking estado sa buhay. Masyado pa akong hilaw. Basta simple lang, yun lang.
Katatapos nga lang ng birthday ko eh. Ayun, nag-imbita ako ng ilang malalapit na kaibigan. Konting handang pagkain, konting beer at yosi, solved na. Masaya, nakakatuwa, at yun, nadagdagan na naman ako ng isang taon sa kalendaryo ng buhay ko. Konting panahon na lang at 65 years old na ako, kailangan magawa ko na lahat ng mga dapat, hindi dapat at mga gusto kong gawin sa buhay ko. Bago man lang ako mag sisenta.
Ewan ko ba pero lagi kong iniisip na hanggang 65 years old lang ako mabubuhay sa mundong ito. Kaya gusto ko pagtuntong ko ng 60, mananabako at magbo-ballroom na lang ako kasama ang (mga) magiging asawa ko (kung meron mang magkakamali... ;-0), at yung ibang mga kumpare ko.
Kung magkaka-anak man ako, gusto ko wala na sila sa puder ko sa mga panahong iyon. Gusto ko maayos na din ang buhay nila at bibisi-bisitahin na lang nila ako sa mansyon namin (hehe, dream, dream, dream!)
Astig diba? Kahit maraming nagsasabing masyado daw akong nagmamadali sa buhay dahil puro pera, pera, pera, dream car, dream house, dream vacation, dream career na lang daw ang lagi kong iniisip. Pero totoo naman diba? Lahat tayo nag-aasam ng madaming pera. Lahat tayo pangarap na balang-araw, mag-buhay senorita at senorito sa mansyon natin? Maglakbay sa lahat ng bahagi ng mundo na walang iniisip na problema sa pera o sa kahit anumang gastusin?
Kaya nga tayo nagpakahirap na mag-aral noon at mag-trabaho ngayon eh, kasi lahat tayo gustong yumaman. Maging mayamang-mayaman! Bilyonaryo. Kasi sa panahon ngayon, pera lang talaga ang nagpapatakbo ng kaligayahan ng mundo, technically.
Don't get me wrong naman tungkol dito. Naniniwala pa rin naman ako sa kasabihang "...the best things in life are for free...": ang pagtawa ng masarap; ang pagtatampisaw sa ulan; ang paglalaro ng piko at tumbang preso sa kalye; ang paglalaro ng langit-lupa impyerno, im-im-impyerno; ang paglanghap ng sariwang hangin at marami pang iba. Pero ito yung mga bagay na pwedeng-pwede nating gawin kahit anong oras natin gusto. Nandyan lang ang mga yan at hindi ka iiwanan. Kaso nga lang, may mga bagay talaga sa mundong ito na gusto nating gawin at pangarap nating matupad na kinakailangang pondohan at tapatan ng salapi. Ano-ano yun? Alam kong alam nyo na kung ano-ano ang mga iyon...
Narinig ko ngang minsan sa isang pastor habang nagsasalita siya sa kanyang mga takapakinig:
"...hindi naman masamang maging mayaman, ang mag-asam ng limpak-limpak na salapi, ang maniwalang isang araw, pagbukas mo ng pinto ay babagyo ng maraming kayamanan. Sa katotohanan nga, maraming sipi sa banal na Bibliya ang nagsasabing ang pagiging mayaman at pagkakaroon ng matiwasay at maunlad na buhay ang pangarap ng Diyos para sa ating lahat. Ang dapat lang nating matutunan ay kung papaanong sa pamamagitan ng yamang iyon ay makakatulong tayo sa ating kapwa..."
Ayokong magtunog pastor sa puntong ito kaya ititigil ko na. Pero totoo naman diba? Ewan ko sa'yo pero kung 'di ka sumasang-ayon, okey lang. Maaari mong sabihin kung bakit, at ipaliwanag ng husto sa buong madla, o maaari ka ring manahimik na lang habang binabasa mo ito, depende sa trip mo. Basta iyon talaga ang paniniwala ko eh. Astig lang! hahaha. *tawa.
Mamaya-maya, papasok na naman ako sa trabaho. Umaasang sa susunod na sweldo, mas malaki-laki ang mailalagay ko sa savings account ko. Kung kulang, hala sige trabaho na lang ulit. Kung sobra, edi mas maganda. Ganyan lang naman talaga ang buhay natin diba? Pati ang buhay mo, alam ko ganyan din ang takbo. Maliban na lang siguro kung ipinanganak kang mayaman ang pamilya mo. Hindi ko sasabihing maswerte ka kundi, pinagpala ka. Astig!
O, sige na, hanggang sa muli nating pagkikita. Magpapayaman muna ako. *kindat...
5 comments:
isama mo ak sa pagpapayamn mo pare.hehe
yup tama ka pare koy' so dapat we work smart and dapat hindi lang kumpanya pinayayaman natin.. pero kung empleyado ka lang habang buhay medyo maliit tsansa mong maging mayaman pero kung boss ka na at magaling ka magpatakbo ng company malamang maging mayaman ka!
tama ka. sa isang lebel lahat naman tayo "mukhang pera", dahil ito naman ang nagpapagalaw ng makinarya ng sanlibutan.
gusto kong manalo ng lotto para makauwi na sa pinas at ipagpatuloy ang naputol kong karir sa pagtuturo. kapag kasi sa sweldo ng pagtuturo ka lang mabubuhay eh mamamatay ka rin ng maaga at baon pa sa utang. i happen to love teaching, at kontra sa magliwaliw na lang at magpakasarap pag mayaman na ako, gusto ko pa ring maging teacher. (sira ba? hehe..)
pera... masarap magkapera, pero masarap din na may kasama ka pag gagastos ka nito... inuman, sa syota o kahit saan na may kasamang kaibigan...
makes sense?
@utakmunggo, yeah, tama ka. teaching has always been my frustration, and I think I will retire in that profession. I'm just waiting for things to go my way and I'm working on it now. sana manalo na tayo sa lotto! hihi ;-)
@gilbert, correct ka dyan, wala pa ring sasaya sa pagwaldas ng salapi kasama ang mga mahal mo sa buhay! hahaha! ;-)
Mang Badoy, musta na po? plano ko din po ang magtayo ng sariling business, pag sapat na naipon ko. bata pa naman po ako, mI still have alot of time para makapagsuimula.. salamat sa pagdalaw sa pahina ko. ;-)
@pensuck, ngayon din, isasama kita sa aking paraiso! hehehe! pamilya ba ang line na yan! In God'd time.. ;-)
Post a Comment