"...sa may paanan Niya, nakita ko ang tayog at ningning ng aking mga pangarap. Tama, sa may paanan Niya, doon ako magsisimula..."

Friday, July 18, 2008

Holdaper de Puta

(PAUNAWA SA MGA BABASA: ang kwentong ito ay R-18 dahil sa sandamakmak na pag-gamit ng author ng mga masasamang salita at abot-impyernong pagmumura upang mailabas ang kanyang damdamin sa isang karanasang ayaw na niyang maulit. Patnubay ng magulang ay kailangan.)


"...Gigil na gigil na gigil hanggang sa mabitiwan nya ako. Kita ko ang dugo sa braso ng mamang demonyo, habang ramdam ko din naman lasa ng pawis, libag, at dugo nya sa bawat hibla ng mga ngipin ko..."



Isang araw, bandang alas singko ng hapon, huwebes iyon tandang-tanda ko pa, papunta ako sa opisina, ang daan ko ay Baclaran patungong Makati, eksaktong pagbaba ko ng bus sa palengke ng putang-inang Baclaran na yan, isang malaking mamang amo’y putok ang biglang humila at sumakal sa akin. Pinipilit niyang kunin ang noo’y hawak-hawak kong cellphone. Kasama niya ang isang puki ng inang lalaking mukhang pinilipit na kulangot ang mukha na siya namang paulit-ulit na sumusuntok sa mukha ko para lang mabitiwan ko ang aking telepono.


Syempre, unang reaksyon ko ay ang manlaban, kahit hindi ako makagalaw sa pagkakahawak sa akin ng anak ng imburnal na lalaking iyon, pinilit kong gumalaw at sumigaw. Ewan ko ba pero sa bawat sigaw ko at paghingi ng tulong, isang sapak sa mukha ang inaabot ko.


Ayokong maging bida sa kwento kong ito, pero totoo, hindi ko binitiwan ang dala kong cellphone. Hindi ko nga halos naramdaman ang mga suntok sa akin eh. Basta ang alam ko, hindi ko bibitiwan ang cellphone ko at sisigaw ako na sana ay may tumulong sa akin. Pero wala.


Habang hawak ako ng mamang mukhang hasang at pilit na nanlalaban, naramdaman kong humapdi ang leeg ko. Dumudulas ang pagkakakapit nya sa akin. Maya-maya’y naramdaman kong dugo ko na pala iyon. Mahirap ipaliwanag kung bakit hindi ko nararamdaman ang sakit ng paghiwa niya ng sugat sa leeg ko kaya isisisi ko na lang ang lahat ng iyon sa aking adrenalin gland. Ayun, hawak-hawak ko parin ang cellphone ko.


Napansin kong may isang ale naman na nakakasaksi sa nangyayari sa akin. Siguro wala pang dalawang metro ang layo nya sa amin ng mga hinayupak na holdaper na yun. Kita ko siya mula sa kinatatayuan ko habang sinasakal ako ng kaputa-putahang lalaking iyon. Alam ko gusto niyang tumulong pero alam ko ding wala siyang magawa. Ayun, nanood lang siya, musta naman yun?


“…tama na yan hoy! Tama na yan!…” sigaw ng mga nakakakita sa dalawang demonyong mama.


“…ibigay mo na kasi yang cellphone mo, gago!” naririnig kong sigaw mula sa maraming kumpulan.


Oo, madaming tao sa paligid ko. Uulitin ko lang po, nasa Baclaran ako noon, alas singko ng hapon at malinaw pa sa alaala ko kung gaano karami ang tao sa putang-inang Baclaran na yan noong mga oras na iyon. Pero hayun ako, pinagtutulungan ng dalawang mamang mal-edukado, filibustero, hayop, demonyo, inutil, primitibo, tarantado, tonta, at lahat na, habang ang publiko, naroroon at parang nanonood lang ng shooting! *Heavy!


At alam mo ba kung saang banda sa Baclaran nangyari ang lahat?


Doon mismo sa tapat ng istasyon ng mga walang kwentang MMDA officers na yan! Anak ng kulani talaga oh. Naisip ko tuloy, siguro nagkukubra ng pera ang mga holdaper na yan sa kanila kaya wala silang pakialam kahit sino ang mabiktima. Wala talagang kwenta ang ilang mga sistema natin dito sa bansa. Letche talaga!


Ayun na nga, siguro kahit papano sinuwerte parin ako nung araw na yun, ewan ko ba pero pakiramdam ko, hindi pa talaga ako mamamatay nung araw na yun eh. Sandamakmak na sapak na ang inabot ko pero matinag parin ang pagkakahawak ko sa cellphone ko. Nakagalaw ako ng konti dahil nga medyo madulas na ang pagkakahawak ng mamang mukhang tae sa leeg ko dahil sa dugo.


Nagkaroon ako ng pagkakataong kagatin ng sabik na sabik na sabik ang braso ng mamang sumasakal sa akin. Gigil na gigil na gigil hanggang sa mabitiwan nya ako. Kita ko ang dugo sa braso ng mamang demonyo, habang ramdam ko din naman ang lasa ng pawis, libag, at dugo nya sa bawat hibla ng mga ngipin ko. Sabay hampas ng bag kong dala-dala sa isa pang putang-inang mamang nakarami rin ng suntok sa akin.


“…putang ina nyo, gago!!!!...” ang sigaw kong may paghihimagsik!


Sabay ang pagtakbo ko ng matulin papunta sa sakayan ng bus.…


”hala sige, magtext ka pa!” narinig kong sigaw ng isang lalaki mula sa nagdaraang bus habang tumatakbo ako palayo.


“…putang ina mo!” ganti ko naman sa kanya sa sobrang pikon ko na.


Siguro dahil madami naring nakiki-isyoso, nagdalawang isip na ang dalawang puke ng inang lalaking iyon na habulin pa ako. Nang maramdaman kong sapat na ang layo ko para abutan pa ng mga demonyo, tumigil ako at nagpahinga. Saka ko lang naramdaman ang pagod. Nagmasid ako sa paligid. Pakiramdam ko lahat ng tao, nakatingin parin at tumatawa sa akin.


Bakit nga ba hindi ko na lang binigay ang cellphone ko? Mas madali naman yon kesa suungin ang nga suntok. E bakit nga ba? Naisip ko nga rin, siguro, isang maling galaw ko lang din, pwedeng magbago ang kapalaran ko at patayin ako ng mga di ko naman kakilalang tao. Sayang naman ang buhay.


Matagal ko ring inisip ang pangyayaring iyon. Paano nga kaya kung napatay nila ako dahil lang sa cellphone? Kasing-halaga lang ba nito ang buhay ko? Ang cheap! Hahaha! Sabi ko, di ko nalang uulitin pag nangyari ulit yun, pero wag naman na sana.


Parehong araw, nagreport parin ako sa trabaho. Parang walang nangyari. Di ako umabsent.


Kinuwento ko sa mga ka-officemates ko. Nalaman ng mga kaibigan ko. Nalaman ng nanay at tatay ko.


Nakakatawa pero lahat sila iisa lang ang reaksyon. Iisa lang ang nasabi: “…ang tanga-tanga mo, sana binigay mo na lang yung cellphone…”


(…sana man lang tinanong nila kung nasaktan ba ako diba? *heavy! Hahaha.)


Natutunan ko na ang lessons ko. Nasa akin pa rin ang cellphone ko. Hindi naman ako na-comatose. Hindi din naman ako nasaksak. Buhay pa ako. At siyempre, pinagpapasalamat ko yun.


Sa ngayon, siyempre, mas naging maingat na ako sa bawat kilos ko, lalo pa at nasa mataong lugar ako. Mahirap nang maulit ang kalbaryong iyon. Ang sakit kayang masapak! Okey sana kung may pagkakataon akong lumaban ng patas, at least yun, makakaganti ako ng sapak kahit papano. Madami na talaga tuso sa panahon ngayon, ni hindi mo alam kung sino sila. Di naman natin alam kung sino ang dapat sisihin. Syempre, ang lahat ng bunton, sa isang tao lang mapupunta.


Siyempre, ang sisisihin ay ang biktima, di kasi nag-iingat! Ganun na ba talaga ngayon?


Noon mismong oras na yun, siguro isang bagay lang din ang nasa isip ko; na madami nang masasamang tao sa mundong ito, madaming-madami, ...at sa pagkakataong iyon, ayokong maging isa sa mga biktima nila…


21 comments:

UtakMunggo said...

ay ang nakakagalit ay yung pinapanood ka lang, at ikaw pa ang sinisi.

wlang may gustong holdapin, at hindi tama na baliktarin ang kasamaan at isisi sa mga taong namumuhay ng maayos.

oxygen said...

Lupet naman ng kwentong to!

Iniisip ko tuloy kung totoong pangyayari ba o isang malikhaing sanaysay pero palagay ko hindi ka naman gagawa ng gantong ka-morbid na kwento tungkol sa yo... pero nakatutuwa ang effort to take it lightly by injecting humor.

Salamat na lang kay adrenaline rush ligtas ka at mabuti na lang hindi kryptonite ang dala ng holdapers

Bienthoughts [a.ride.to.life] said...

Oxygen, totoo pong pangyayari ito. Hindi pa nga rin ako maka-get over eh. hehehe. Buti na nga lang walang dalang kryptonite ang mga demonyong yun, kundi, mas lagot na! Thanks ulit sa pagdalaw ah.

utakmunngo, correct, sobrang badtrip talaga, ako nga mismo walang ibang masisi kundi sarili ko eh, magtext ba naman sa Baclaran? pero tama ka, di ko ginusto yun, nagkataon lang, ako natyempuhan. Thanks sa pagdalaw.

gillboard said...

lesson learned: wag magcelphone sa baclaran... buti naman at walang nangyari sayo.

sobra naman yung mga nakakita nun, di na nga tumulong, nangutya pa. hay buti na lang eh mukhang malakas ka dun sa itaas.

Anonymous said...

Natawa ako sa story na ito. Mabuti at hindi ka natepok...hirap talaga makaranas ng nininakawan lalo pa kapag kinaladkad ka ng sasakyan habang ninanakawan...hay!

Mga taong halang ang bituka! Lahat ng bagay naman may karma kaya pray hard!

God Bless!

Anonymous said...

nakakagigil ng buto. powtek talaga ang mga ang holdaper na yan. kung ako siguro yun kinain ko ang buong kamay ng mamang yun.hekhek. pero ang tapang mo pare, buti hindi ka napuruhan. kaya nga takot na takot ako dito sa maynila eh, ang mga taong nanonood, walang pakialam, hindi man lang tumatawag ng pulis. kung sa probinsya lang nangyari yun, siguradong litson ang dalawang mamang yun. powtek.

Bienthoughts [a.ride.to.life] said...

@gillboard, ngayon ko lang naisip, tama ka, malakas nga siguro ako kay Lord, hindi parin ako pinabayaan. Napagdasal mo ako dun bigla ah. hehehe.

@harmonie, kwento mo naman ang nangyari sayo? Pa-share. hehehe. thank u naman napatawa kita sa istorya ng buhay ko. bisita ka ulit ah?

@linapuhan, hanggang ngayon gusto ko pring litsunin ang dalawang mamang iyon, kaso kahit siguro anong gawin kong mura, yun na yun. aasahan ko na lang siguro na bukas makalawa, kakarmahin din sila. thanks!

Anonymous said...

napadaan lang sa blog mo... tapos nakita ko pa nasa blogroll mo ang aking blogsite!!! MARAMING maraming salamat! natuwa naman ako sayo!!! naapreciate ko yun a!

Bienthoughts [a.ride.to.life] said...

hello po mang badoy,
I enjoy visiting your page po kasi, kaaliw sya.. Salamat naman po at nabisita kayo sa maliit kong espasyo.

Mar C. said...

mga ganid mga yun! sarap kulamin at gawing kulangot forever. asar. grrr... sana hindi na ito maulit pa ulit. sana.

Anonymous said...

Hala! Wala man lang tumulong sa'yo...Sisihin ka pa daw...Wala na ba talagang malasakit mga tao sa kapwa nila ngaun?

BURAOT said...

sana binigay mo na lang cellphone mo!

wahahahah!

grabe noh? wala man lang tumulong, o kaya man lang eh tumawag ng pulis. kunsabagay, baka pag me dumating na pulis, eh batukan ka pa ng mga yun at sabihin sa yo, "bat kasi di mo pa ibigay cellphone mo?"

TENTAY™ said...

anak ng tinapa tinawanan ka pa ng mga lintek na usiserong yon? nako nakakatakot talaga jan sa baclaran... dati nagsimba kami jan tapos december yon, eh ang dami tinda sa gilid sa daan na daan naman talga ginwang tiangge!!! eh kelangan namen magpark sa loob ng simbahan kc momy ko may sakit... tinadyakan ba naman yun sasakyan namen ng mga yon!!

anyway, utos ng nanay ko, kpag nagkataon, ibigay ko nalang daw ang celphon ko, tanong ko naman, bakit inay, papalitan mo ba? sabi hindi. aba nagdalawang isip ako. hahahahahahah.

Bienthoughts [a.ride.to.life] said...

@tentay, natawa naman ako dun. wag kana magdalawang isip. ibigay mo na agad. papalitan ng nanay mo yun promise! hehehe. thanks sa pagdalaw sa munti kong sipi.

Mahiwagang Sibuyas said...

putangenang yan. naasar tuloy ako.
yan ang problema sa mga pinoy kung minsan. pinaiiral ang apathy. at wla tlgng nagbalak na tumulong sayo dun sa baclaran. amf.

mabuti naman at kahit papano nde ka napahamak ng todo sa nangyare.

natuwa naman ako sa pagkakakuwento mo. tlgng binasa ko mula umpisa hanggang kaduluduluhan.

apir!*

Bienthoughts [a.ride.to.life] said...

Salamat at ang mahiwagang sibuyas ay naglaan ng panahong basahin ang munti kong pitak.

salamat. at paalala lang ulit, mag-ingat sa Baclaran o kahit saang lugar na matao. Iba na panahon ngayon. marami nang bad! ;-0

wanderingcommuter said...

in a way humanga ako sa katapangan mo, pero mas nangibabaw ang dalawang bagay sa akin: una, nakakatkot ka palang maging kaaway at ikalawa, napakahusay at spontaneous ng post na ito!

Anonymous said...

Eh sa pukeing inang yan alam mo na nga na kahit sa probinsya may nanakawan, sa may call center may nanakawan. Sisisihin mo ba ang isang lalakeng nanggahasa ng babaeng naka-skirt na kita naman ang singit?

Bienthoughts [a.ride.to.life] said...

@wanderingcommuter, salamat sa pagbisita sa aking pahina. di naman ako nakakatakot kaaway, di nga ako marunong mkipag-away eh, only when provoked. syempre mhirap nman kung magmukha tayong kawawa habang may nangaapi, daba? ehhehe.. thanks, thanks.

@christian andersen, siraulo ka pala eh, naalala mo ba, nagmissed-call ka sakin nung mga oras na yon? chineck ko lang yung phone ko to text you and then it happened., pagdating ko sa office, ayun ka, tumatawa? pero ok lang, naalala ko nilibre moko sa mini-stop nun eh.. nung chicken? hahaha! ingatz!

Abou said...

at dahil hindi mo ibinigay celphone mo, idol na kita!

paperdoll said...

nakakatakot nmn:S