"...sa may paanan Niya, nakita ko ang tayog at ningning ng aking mga pangarap. Tama, sa may paanan Niya, doon ako magsisimula..."

Monday, September 22, 2008

Panalangin ng isang makasarili


Lalangoy ako sa lupa,

Maglalayag ako sa ibabaw ng bawat bundok

Lalangoy ako sa kamunduhan

At magiging alipin ng bawat basura nito

Lalangoy ako sa burak

Sa maitim nitong pagkatao

Nais kong makilala ang lahat ng kasamaan

At maging sunod-sunuran dito

Maglalakbay ako sa hangin

Sa bagwis ko’y walang tatalo sa akin

Ang pakpak ng buhay ay mapapasaakin

Habang naglalakbay ako sa hangin

Sa bawat pag-ihip ko’y mananaig

Ang lakas ng isang makapangyarihan

Dulot ko’y maaaring pag-asa

O dili kaya’y kamatayan

Pagkatapos ay gigising ako

Mula sa panaginip na ito

At muli, sa muling pagkakataon

Pipilitin kong pumalaot sa paraiso

Habang lumalangoy ako sa lupa

At naglalakbay ako sa hangin,

Ipapanalangin ko pa rin na;

manatili (sana) ang kabutihan

manaig (sana) ang pag-asa

Sa akin,

‘Sya nawa…


1 comment:

dramachinedoypi'03 said...

"Lalangoy ako sa lupa,

Maglalayag ako sa ibabaw ng bawat bundok

Lalangoy ako sa kamunduhan

At magiging alipin ng bawat basura nito.."


--alipin ng kamunduhan. kinahahantungan ng mga nagbuwis ng pag-ibig para lamang hindi masuklian.

nabasa mo na ba yung "love in the time of cholera" ni gabriel garcia marquez? me movie din non. based from your blogs, i suggest you watch it. marami kang makukuhang ideas sa iba't ibang klase ng love. mabuti napadaan ka sa site ko. matagal ko na rin kasing hindi nau-update yun e. some other time i will. masyado kasing busy. most of my old posts are in fs..

happy writing!