"...sa may paanan Niya, nakita ko ang tayog at ningning ng aking mga pangarap. Tama, sa may paanan Niya, doon ako magsisimula..."

Tuesday, May 20, 2008

Tula para kay Glenn, Emilou, at Jason

May isang pangakong nakaukit sa aking puso

Hinding-hindi mababali daig pa ang ginto

Sa isang pagkakataong tayo’y nagkasama

Pangakong binitiwan sana’y laging maalala

Sa panahong may pighati, ang dulot ay pasakit

Ako ay darating at sa iyo ay lalapit

Kapag ang luha’y pumatak, umagos, bumagsak

Balikat ko’y nakalaan, di na dapat mabagabag

Sa saya at katuwaan tayo ay magkasama

Sa pagbuo ng pangarap tayo ay iisa

Sa lungkot man at sa dusa sa pagharap sa problema

Karamay mo ako kaya’t di ka dapat mangamba

Sa landas ng buhay tayo ay magka-akbay

Sabay tayong tutungo sa tuktok ng tagumpay

Ang lahat ng paghihirap, takot, at kabiguan

Gagamiting gabay sa magandang kinabukasan

Pangakong habambuhay kaibigan mo ako

Sa iyong pagsimangot, sa bawat mong ngiti, ako ay karamay mo

Hindi ka pababayaan, hinding-hindi kaibigan

Pagka’t ako’y kasama mo sa bawat mong hakbang

Pangako sa isa’t-isa ay hindi mababali

Walang kahit na sinoman ang sa ati’y gagapi

Walang iwanan, pangako kaibigan

Haharapin ang lahat, Diyos ang ating sandigan

No comments: