"...sa may paanan Niya, nakita ko ang tayog at ningning ng aking mga pangarap. Tama, sa may paanan Niya, doon ako magsisimula..."

Tuesday, November 25, 2008

Absenteeism ala Bien





Dati rati, kahit ano pang nararamdaman kong sakit, ayun at papasok parin ako sa trabaho. Ubo, sipon, kahit 40 degrees na ang lagnat ko, kahit namamalat pa ang lalamunan ko, di ako magdadalawang isip na pumasok sa trabaho. Kahit pa sabihing sobrang tinatamad na ako pumasok at puro reklamo na lang ako sa trabaho ko, in the end, papasok pa rin ako. Pero ngayong buwan na ito, kakaiba. Talagang kakaiba dahil eto ngayon, inuubo at sinisipon ako na di ko alam kung nilalagnat ba o ano, pero sinasabi ng isip ko na wag na ako pumasok at magpaggaling na lang sa bahay.


Ngayon buwan na ito, Nobyembre, naitala ang pinakamaraming absences ko simula ng magtrabaho ako. Tatlo. November 1, November 2, at ngayon, November 25, 2008. Habang sinusulat ko ang blog na ito, maniwala ka sa hindi pero kusang tumutulo ang sipon ko. Malabnaw, ang kati kati ng ilong ko at ang sakit ng baga ko. Sinasabayan pa ng walang humpay na pag bahing. Siguro dahil na din ito sa walang sawa kong kaka-yosi at palagiang pagpupuyat. Tinitignan ko nga ang mata ko ngayon sa salamin, ayun at namumula na. Sumasakit lalo ang ulo ko.

Sabi ko bahala na lang. Eh anong magagawa ko eh may sakit ako ngayon. Although nagi-guilty ako, as always, kapag umaabsent ako, o kahit late ako, siguro sa pagkakataong ito, kailangan ngang pabayaan ko na lang. Buti sana kung ang nature ng trabaho ko ay di kailangan ng boses at mahusay na pakikipag-komunikasyon. Eh hindi eh. Wala rin akong silbi kung papasok man ako. (*tulo sipon…)

In a few weeks, I’m filing for resignation na. Ayoko naman isipin nila na dahil sa mag reresign na ako kaya ako nagiging pala-absent. Wala naman ako maipakitang medical certificate. Eh totoo naman wala eh. Pero it doesn’t mean na wala akong sakit. Kailangan ko pa bang pumunta sa ospital para lang sa simpleng LBM at runny nose? Pero as always, it is company policy, kailangan may medcert kung aabsent, so paano yan? Sige ita-try kong magpunta sa doctor bukas para makakuha non. Pero ang hirap eh. Pano ko sasabihin sa doctor yun? “…dok, may ubo at sipon ako kagabi, pero ngayon wala na dahil nakainom na ko ng biogesic, pede ba makahingi ng medcert dyan?...”; or “…dok, nagtatae ako kahapon, pero I’m ok na ngayon. Pede bang magpa medcert sa’yo? Pakisabi lang may LBM ako kahapon… thanks…”

Parang ang hirap diba? Di naman kasi yun sakit na kailangang magpa-ospital ka eh. Yun yung sakit na tipong ngayon meron ka, inuman mo lang ng gamot at itulog, bukas wala na. I guess that’s one of the reasons why we’re entitled of sick leaves. Para sa mga pagkakataong ganito. Pero siguro akala nung iba, sick leaves are for “sick” people talaga, na as in, kailangan may cancer ka, or tumor sa bibig, or ma-comatose ka muna bago mo magamit. It’s funny, but it’s true. Kaya minsan nakakaasar. Amf.

Anyway, ayan, tumutulo na naman ang sipon ko. Nagpabili na ako ng biogesic sa kapatid ko. Sana makapasok na ako bukas. I hope, I hope. I’m gonna try to sleep na rin, sana lang makatulog ako ng maayos nito. Barado at makati ang ilong. I’ll leave it to God and Biogesic. Salamat na lang sa musika ni Gavin De Graw, Daniel Beddingfield, James Morrison at James Blunt, at least napapayapa ang utak ko kahit papaano.

Hanggang sa muli… ;-)



8 comments:

paperdoll said...

pag malabnaw talaga ang siponyo mas masakit sa ulo. .get well soon;-)

gillboard said...

binibigyan mo lang ng dahilan yan... katamaran lang talaga yan.. ganyan talaga pag magreresign na.

hehehe... nambubuyo pa.

Bienthoughts [a.ride.to.life] said...

haha, waaaaaah, hindi ahh.. ;-)

Anonymous said...

tsk..tsk.. ang saklap nito ser. hehe. tama nga naman, dapat bang magka-AIDS ka muna bago ka makaapply sa sick leave.

..Gavin de Graw.. one tree hill!

good bye buhay call center na ba ito? tsk tsk..

good luck and godspeed

salamat sa pagdaan sa inaagiw kong blog

Anonymous said...

i started loving gravin degraw when I started watching OTH. I also love james blunt and james morrison.

try jack johnson.

ako sakitan ako kaya mejo nagaabsent din.

Bienthoughts [a.ride.to.life] said...

I like Jack Johnson also, his "Better Together" song, just so love it.. hehehe ;-)

Anonymous said...

uy Bien, musta na? Luma na tong post na to sana okay ka na....ako din asar sa policy na kailangan pa ng medcert. sa company pa naman namin kailangan gumagapang ka na para maka-absent ka. kung nilalagnat ka lang naman at sinisipon, inuubo na halos maiubo mo ang laman loob mo asus! wala yun!

oi, late na to, happy new year po!happy chinese new year na din!

Anonymous said...

di mo pansin 3 bese ka nagkasakit sa 3 buwan? humihina na resistensiya mo...subukan mong magptingin. walang masama doon. sana magaling ka na.